Nanatili ang determinasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na puksain ang kurapsiyon sa bansa sa gitna ng mga hamon at hirap na pinagdaanan nito sa limang-taon ng kanyang panunungkulan.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go sa katunayan halos bawat linggo ay may nasu-suspende, natatanggal at nakakasuhan dahil sa kurapsiyon.
Sa kabila ng mga pangyayari sinabi ng Senador na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa ang Pangulo at patuloy na magtatrabaho hanggang sa huling araw ng kanyang termino.
Umaasa umano ang pangulo sa bagong henerasyon na papasok sa public service na gagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagsugpo sa katiwalian.
Inihayag bago pa siya naging senador ay mariin na ang kanyang pagsuporta sa anti-corruption efforts ni Pangulong Duterte.
Ito umano kung bakit itinatag niya kasama ang Presidential Anti-Crime Commission, ang Truth and Justice Coalition.
Naniniwala pa rin naman umano sila ni Pangulong Duterte na marami pa ring malilinis ang kalooban sa gobyerno at kailangan lamang ng suporta mula sa taumbayan dahil kung wala magsusumbong, wala ding maiimbestigahan at makakasuhan.
