Nakabalik na sa bansa ang mga Filipino Olympian na sumabak sa katatapos pa lamang na Tokyo Olympics.
Agad itong sumalang sa virtual courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Mismong si Senate Committee on Sports Chairman Sen. Bong Go ang nagpresenta ng mga atleta sa Pangulo na kinabibilangan nina boxers Irish Magno, olympic medalists Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
Nagbigay-pugay ang Pangulo sa naturang mga atleta at pinasalaman ang ito dahil sa inuwing karangalan para sa Pilipinas.
Kasabay nito inanunsiyo ng punong ehekutibo na makakatanggap ang naturang mga atleta ng cash incentives mula sa Office of the President.
Ayon sa Pangulo tig-2 million pesos ang matatangap ng Silver medalists na sina Paalam at Petecio, isang-milyon piso naman para kay bronze medalist Eumir Marcial maliban pa sa Order of Lapu-Lapu medal na ibibigay ng Palasyo.
Habang ang iba pang mga Pinoy Olympians ay makakatanggap naman ng P200, 000 cash incentives.