Cool Smashers pasok na sa PVL finals

Pasok na ang finals ang Creamline Cool smashers sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Ito ay matapos i-sweep ang Petro Gazz Angels sa kanilang best-of-three semi-finals na ginanap sa PCV Socio-Civic & Cultural Center, Bacarra Ilocos Norte.

Susi sa panalo ang 20-point performanceni ni Tots Carlos kabilang 18 spikes para sa Cool Smashers.

Ayon kay Creamline captain Alyssa Valdez bagama’t team effort ang nagpanalo sa kanila, malaki dito bagay dito ang magandang laro ni Carlos.

Nagtapos ang laban sa papamagitan ng limang sets sa score 27-29, 25-23, 16-25, 25-17, 16-14 pabor sa Creamline.

Makakaharap naman ng Cool Smashers ang mananalo sa serye ng Chery Tiggo at Choco Mucho.