Tinanggihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaplanong pagiging drug czar nito, o ‘yung magiging punong abala sa mga anti-illegal drugs campaign sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.
“It’s not my time”, ito aniya ang naging tugon dito ni Duterte ayon kay dating spokesperson at presidential legal counsel na si Atty. Salvador Panelo.
Ayaw na raw kasing makisawasaw pa ni Duterte sa mga magiging programa ni Marcos.
Sa kabila niyan, handa pa rin naman daw ang outgoing president na magbigay ng mga payo sakali mang humingi si Marcos ng tulong sa war-on-drugs nito.
Muli ring sinabi ni Panelo na nais ni Duterte na ipagpatuloy ni Marcos ang war-on-drugs sa sarili niyang pamamaraan.
#