Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Basud sinabing hindi nila polisiya ang pilitan sa COVID- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Bayan ng Basud Camarines Norte (LNB) na hindi nila naging polisiya ang pamimilit sa kanilang constituents para lang maobliga ang mga itong magpabakuna kontra COVID- 19.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni LNB President Jesus Salomon na ang ginagawa nilang mga kapitan sa ngayon ay pakiusapan ang kanilang constituents na magpabakuna.

Hinimok rin nito ang mga kapwa Punong Barangay na huwag i- discriminate ang mga taong hindi pa nakakapagpabakuna sa halip ay pakiusapan ang mga ito.

Aminado naman si Salomon na napi- pressure din silang mga kapitan lalo na sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong mga nagdaang araw na nagsasabing bitbitin ang mga walang bakuna at dalhin ang mga ito sa vaccination center.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ngayon ay naniniwala si Salomon na epektibo pa naman ang pakiusap.

Mayroon daw kasing ayaw talagang magpabakuna pero kapag napapaliwanagan ng maayos ay pumapayag na rin.

Sa 29 na barangay ng naturang bayan, dalawa na sa mga ito ang naabot ang herd immunity at inaasahang tataas pa ang vaccination coverage dahil sa ginagawa ng LGU na malawakang pagbabakuna.

Inilapit na rin ng LGU sa mga barangay ang bakunahan.

Umapela naman si Salomon sa mga ayaw pa ring magpabakuna na magpabakuna na at huwag matakot dahil ligtas naman aniya ito at walang dapat ipag- alala.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

“Ang napag usapan po namin kasi lumabas na yung bilang ng mga unvaccinated sa mga bara- barangay, pakiusapan, makiusap tayo kung gusto nilang magpabakuna para maprotektahan ang kanilang sarili, so yan po ang ating pakiusap sa mga Punong Barangay kasi minimal na lang po yung mga hindi pa nababakunahan sa  bayan ng Basud sa mga bara- barangay,” ani Salomon.

Hindi po yan polisiya, kasi hindi naman po natin pilitan yung tao, ang gawin po natin makiusap para magpabakuna, wala po tayong ganyang policy na pinag usapan para i-discriminate ang tao, hindi po, kaya po tayo ay nakikusap lamang magpabakuna po tayo’.