Pangulo, inutusan ang Sol Gen na sabihan ang COA na kumolekta ng P140-million mula kay Gordon

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Solicitor General na sabihan ang Commission on Audit na kolektahin ang P140-million na halaga ng government funds mula kay Senator Richard Gordon.

Nag-ugat ito mula sa notice of disallowance na inisyu ng COA sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), kung saan ay nagsilbi si Gordon bilang chairman nito mula 1992-1998.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Unang sinabi ng Pangulo na nasa P86-million ng nasabing halaga ang napunta kay Gordon.

Sinabi ng Pangulo na kailangan ng SolGen na ipaalala sa COA ang constitutional duty nito na kolektahin ang nasabing halaga.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Iginiit niya na inapela ni Gordon sa Korte Suprema ang notice of disallowance, ngunit kinatigan ng hukuman ang findings ng COA.

Naniniwala naman ang Pangulo na ang kabiguan ni Gordon na aksyunan umano ang disallowance ay maituturing na bilang kaso ng malversation.