Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador matapos ang pagpapakulong ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilang opisyal ng Pharmally Paharmaceuticals dahil sa paligo-ligoy na mga sagot nito sa gitna ng imbestigasyon sa overpriced pandemic supplies.
Sa Talk to the People ng Pangulo ay sinabi nito na nais niyang malaman ang pananaw ng human rights advocates kaugnay sa ginawang pag-detain ng Senado kay Pharmally director Linconn Ong.
Iginiit ng Pangulo na base sa Konstitusyon ay wala dapat ang napagkakaitan ng kalayaan na mabuhay at due process.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na hindi dapat mag-assume ang Senado na nagsisinungaling ang mga resource persons nito kapag hindi nila nakukuha ang mga gusto nilang mga sagot.
Naniniwala rin ang Pangulo na mas higit pa sa martial law ang ginagawa ng mga senador ngayon.
Matatandaan na sinabi ni Gordon na dapat ay mailista bilang state witness si Ong matapos nitong aminin na nagpahiram si dating presidential adviser Michael Yang ng pera sa Pharmally.