Pang. Marcos na sa Japan para dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit

Nasa Tokyo, Japan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang kaniyang official delegation para dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Mananatili ang Pangulo sa Japan hanggang sa Lunes December 18, 2023.

Makakaharap ni PBBM sa bilateral meeting si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ang karamihan sa aktibidad ng Pangulo ay mangyayari sa Linggo kung saaan gaganapin ang ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Ayon sa Department of Foreign Affairs pag-uusapan ang regional issues tulad ng South China Sea, East China Sea, sigalot sa Myanmar, at iba pang International developments na may epekto sa mga bansang miyembro ng ASEAN.

Hindi naman makumpirma ng DFA kung tatalakayin ang mga mangyayari sa West Philippine Sea sa pagitan ng mga barko ng China at resupply vessels ng Pilipinas.

Matatalakay naman sa Japan Summit ang  japan-east asia network of exchange for students and youths o yung JENESYS program kung saan makakapagpadala ng mga Pilipinong estudyante sa Japan at vice versa mula pa noong taong 2007.

Nakatakda namang magkaroon ng hiwalay na bilateral meeting si Pangulong Marcos kay Prime Minister Kishida.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *