Panelo: mga nais imbestigahan ang ‘gentleman’s agreement’ – mga hindi sigurado sa paratang

Iginiit ni former presidential legal counsel Salvador Panelo na ila hindi inaalam ng mga tumutuligsa sa ‘gentleman’s agreement’ kung tunay ba ang naturang kasunduan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Panelo, sinabi nitong hindi man lang din yata muna nakakausap ng ilang mambabatas ang pinaka-source ng impormasyon tungkol sa sinasabing  ‘gentleman’s agreement.’

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa harap ng posibleng imbestigasyon ng mga Senado sa naturang kasunduan, binigyang-diin ng opisyal na hindi rin naman sigurado ang mga mambabatas na gustong sumilip dito.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Lagi daw kasing may ginagamit na salita ang ilang Senador na ‘kung totoo ito’ – patunay na hindi sila 100% sure sa kanilang mga hinuha.

Sa huli, naging matibay si Panelo na walang nangyaring ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China.