PH, Japan, Australia, US magkakasa ng Maritime Cooperative Activity bukas

Nakatakda nang ikasa bukas ang Maritime Cooperative Activity sa sa pagitan ng Pilipinas, Japan, Australia at Estados Unidos.

Ayon kay Department of National Defense spokesperson Arsenio Andolong, isasagawa ang MCA sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Sinabi pa ni Andolong na ang MCA ay collective commitment ng mga nabanggit na bansa na palakasin ang regional at international cooperation at mapanatli ang isang malaya at bukas na Indo- Pacific region.

Katatampukan ang aktibidad ng communication exercise and division tactics, Officer of the Watch maneuvers, at photo exercise.

Sa joint statement ng mga nabanggit na bansa,  pinagtibay nila ang kanklang posisyon hinggil sa 2016 South China Sea Arbitral Tribunal Award bilang pinal at ligal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *