Pinsala sa Agrikultura dahil sa El Niño, umabot na sa P2.63B

Mas tumaas pa ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng nararanasang El Niño sa bansa.

Mula kasi sa 1.75 bilyon noong nakaraang buwan, pumalo sa 2.63 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala ngayong Abril.

Ayon sa Department of Agriculture, pinaka apektado ang mga palayan, maisan, at ilang taniman ng gulay sa 10 rehiyon sa Pilipinas kabilang ang MIMAROPA at Central Vizayas.

Pinakamatinding napinsala ang sektor ng agrikultura sa MIMAROPA na naitala sa 770 milyon at Region 6 na nasa 739 milyon.

Pagtitiyak naman ng DA na puspusan ang kanilang pag agapay sa mga magsasakang apektado. Kahapon, halos 20 lugar na sa bansa ang nagdeklara ng State of Calamity at posible pang madagdagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *