SORSOGON CITY – Binigyang diin ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon na hindi dapat maging hadlang ang pandemya upang tumigil ang ahensya sa pagbibigay ng mga training sa pagpapalakas ng komersyo o ang product development para sa mga Small and Medium Enterprises (SME’s).
Ayon kay Malou Pancho, Business Development Division Chief, bagama’t naapektuhan ng pandemya ang mga face to face na mga seminar at mga trainings gumawa pa rin sila ng paraan upang makasabay ang mga SME’s sa hamon ng pandemic.
Kabilang sa mga ibinida ng opisyal ng tinatawagt na mga E-Marketing, E-Commerse at mga online trainings o Webinar upang kahit paano ay mayroon paring natutunana ang mga maliit na negosyante habang nasa kanikanilang tahanan.
Maliban pa rito lahat umano ng ikinakasa nilang training may kasamang simple tools and equipment na bahagi ng programa ng DTI upang mas maagang makapag simula ang mga ito kahit nasa loob ng kanilang mga bahay.
