Pananatili ng mga residente sa evacuation centers, maaari umanong tumagal ng 2-3 buwan

LEGAZPI CITY – Maaaring umanong umabot sa dalawa hangang tatlong buwan ang pananatili ng mga residente sa evacuation centers dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

Ayon kay OIC Eugene Escobar, kaugnay nito ay hindi rin nila inaalis ang posibilidad na umabot sa limang buwan ang kanilang pananatili.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tinataya namang nasa mahigit 700 mga pamilya ang inaasahang maililikas sa mula sa bayan ng Daraga dahil sa pagpapatupad ng mandatory evacuation.

Ayon naman sa Public Health Preparedness and Response Unit (PHPRU) at ng Department of Health (DOH) Bicol, kinakailangan magsuot ng face masks, protective gear tulad ng goggles, at magsuot ng mga long-sleeved na mga damit kung sakali mang lalabas ng bahay dahil din sa banta ng ash fall sa kalusugan ng mga residente.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, nakatakda namang mamahagi ng nasa mahigit 10,000 na mga surgical masks ang Albay Provincial Health Office sa mga RHUs para sa disaster response.