Mahigit 50 barangay mula sa 8 lungsod/bayan sa Albay, apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 50 mga barangay mula sa 8 mga lungsod/bayan sa lalawigan ng Albay ang kasalukuyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon APSEMO Officer-in-Charge na si Eugene Escobar, ang naturang mga bayan ay ang mga malapit sa paanan ng bulkan na kinabibilangan ng Camalig, Guinobatan, Daraga, Tabaco City, Sto. Domingo, Malilipot, Legazpi City at Ligao City, kung saan 52 mga barangay ang apektado.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang paglilikas sa lahat ng residente na nasa loob ng 6km permanent danger zone patungo sa mga itinalagang evacuation center.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Matatandaan, kahapon ay isinailalim na sa ‘state of calamity’ ang buong lalawigan sa pamamagitan ng Provincial Resolution No. 0607-2023 ng Pamahalaang Panlalawigan na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.