Pamunuan ng CNPH ginagawan na umano ng paraan para mas mapadali ang paglalabas ng CT scan result

CAMARINES NORTE – Aminado ang Provincial Health Office na may katagalan talaga ang paglalabas ng CT scan result sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Pero ayon kay Provincial Health Officer I Dr. Walter Randolph Jalgalado, ginagawan na ito ng paraan ng hospital management para mapabilis ang paglalabas ng resulta kaya nag- hire umano sila ng karagdagang radiologist.

Kina- categorize din umano nila ang pasyente at binibigyang prioridad ang naka- confine sa loob dahil may ginagawang gamutan.

Mas marami rin umanong pumupunta ngayon sa CNPH para magpa CT scan dahil libre ito.

Bukod naman sa pagdaragdag ng radiologist na magbabasa ng CT scan result ay  nag hire pa umano ang CNPH ng isa pa para naman magbasa ng X-ray.

Dagdag pa ni Jalgalado na hindi lang “plain” CT scan ang ginagawa sa CNPH at mayroon din itong contrast at walang bayad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *