Pamilyang benepisaryo NG DSWD REGION 2 LAG, umabot na sa higit 20,000

Umabot na sa 20,682 households sa rehiyon ang nabigyan ng Livelihood Assistance Grant (LAG) mula sa Department of Social Welfare and Development Region 2.

Batay sa inilibas na datos ng DSWD RFO2, mahigit 198 milyon pesos ang naibigay ng pondo sa ilalim ng nasabing livelihood assistance grant mula January-September, 2021.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa lalawigan ng Isabela, nasa 8,938 na benepisaryo ang nabigyan ng LAG kung saan mahigit 86 milyon pesos ang inilaan rito.

Kabilang din ang probinsya ng Cagayan na may benepisaryong 7,614 at higit 73 milyon na pondo at Nueva Vizcaya na may pondong 27.8 milyon pesos para sa 2,937 household beneficiaries.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nasa 10.2 milyon pesos naman ang naibigay sa 1,082 na household sa probinsya ng Quirino habang mahigit isang milyon naman sa Batanes na pinakinabangan ng 111 household beneficiaries.

Samantala, ang naturang livelihood assistance grant ay isang recovery at rehabilitation program ng pamahalaan na layong matulungan ang mga pamilyang tuluyang nawalan ng hanapbuhay dulot ng nararanasang lockdown.