1 patay, 12 sugatan sa mass shooting sa Tennessee

Isa ang patay habang 12 ang sugatan sa mass shooting na nangyari sa isang grocery store sa Tennessee USA.

Mabilis namang nakaresponde ang mga pulis sa kalapit na distrito kung saan matatagpuan ang Kroger grocery store.

Namatay naman ang solong suspect na isang lalaki dahil sa self-inflicted gunshot wound.

Ilan naman sa mga sugatan ang sinasabing malubhang nasugatan habang hindi pa malinaw ang motibo ng krimen. Inaalam pa ng mga otoridad kung empleyado ito ng grocery store.

Matatandaan na hindi ito ang unang mass shooting incident sa isang grocery store sa US kung saan noong March ay 10 tao kabilang ang isang pulis ang napatay ng isang lone-suspect na namaril sa isang supermarket sa Colorado.