Pambato ng Koronadal, kinoronahan bilang Mutya ng So.Cot 2024

KORONADAL CITY – KINORONAHAN bilang Mutya ng South Cotabato 2024 ang pambato ng Koronadal City na si Clara Michelena. Sa ginanap na coronation night kagabi, nangibabaw ang angking ganda at katalinuhan ni Michelana laban sa 17 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang mga local government units at private and government entities.

Humakot din ito ng minor awards na Best in Swimsuit, Best in Evening Gown at Best in T’nalak Festival Couture at special award na Best in Mutya ng South Cotabato Video Glow Challenge.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Nangibabaw din ang sagot ng 3rd year communications arts student sa tanong sa Final interview sa Top 3 finalists.

(insert video) Samantala, itinanghal naman bilang first runner up ang pambato ng Polomolok na si Hazel Jane Anating at 2nd runner-up ang kinatawan ng Tampakan na si Chantelle Pecson.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Host ng Mutya ng South Cotabato 2024 si Miss World 2013 Megan Young at mister nitong aktor na si Mikhael Daez.

Ang Mutya ng South Cotabato ay isa sa mga highlights nga weeklong celebration ng Silver T’nalak Festival at 58th Founding Anniversary ng lalawigan.