Halos 1k na mga magsasaka sa Camalig, Albay, nakatakdang makatanggap ng abono

LEGAZPI CITY – Nakatakdang makatanggap ng abono ang halos 1000 magsasaka sa Camalig sa probinsya ng Albay.

Ito ay sa isasagawang tatlong araw na fertilizer distribution sa Bungkaras Gymnasium, Barangay 2 Poblacion, na pangungunahan ng Department of Agriculture sa tulong ng Municipal Agriculture Office kung saan layunin nitong mabigyan ng asistensya ang mga magsasaka at mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bayan na naaayon naman sa 12-point Executive Agenda ng lokal na gobyerno partikular na sa pagsagawa ng mga kailangang inisyatiba sa nasabing sektor.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang ipinamahagi ay Triple 14 Complete Fertilizers habang binigyan naman ng oportunidad ang mga magsasaka na pagkakaton ma pumili ng kanilang gustong abono depende sa kanilang kailangan samantala sa kabuuan tinatayang mabebenipisyuhan nito ang 628.29 ektarya ng lupa.