Pamasahe sa padyak sa Tabaco City maaaring ibalik sa P10

LEGAZPI-POSIBLE umanong maibalik ang dating pamasahe ng mga padyak sa lungsod ng Tabaco kung sakali na maibaba na ang buong lalawigan ng Albay sa Alert leve 1 ng Covid-19 Classification.

Ito kasi ay matapos na aprobahan na sa unang pagbasa ang ordinansa sa Sangguniang Panglungsod na bawiin ang provisional rate na syang pinagbatayan ng pagtaas sa presyo ng pamasahe sa mga pasahero.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay City Councilor Arnulfo Bragais, Chairman Committe ng Transfortation, naghahanda na ang kanilang komitiba sa mga hakbang kung mangyari ito sa lalawigan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Positibo naman ito na may pagbabago sa susunod na anusyo ng National IATF matapos ang mahigit isang linggong pananatiling zero covid-19 cases ng lalawigan.

Kung maaalala, dahil sa Covid-19pandemic, inaprubahan ang 20 pesos na pamasahe sa mga padyak at tricycle drivers.