Pamamahagi ng titulo sa mga agrarian reform beneficiaries, target tapusin ni PBBM sa loob ng kanyang termino

Hangad ni Pangulong Bongbong Marcos na tapusin sa loob ng kanyang termino ang pamamahagi ng land titles sa mga agrarian reform beneficiaries o ARBs.

Sa pamamahagi nito ng titulo kahapon sa Tacloban City, binanggit ng Pangulo na batid nyang matagal nang inantay ng mga magsasaka na mapasakanila ang lupa na kanilang sinasaka.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kaya naman nangako ang Pangulo na tutuparin ng kanyang administrasyon ang repormang agraryo sa buong bansa.

Anya, tatapusin nila ang pamamahagi ng titulo sa susunod na apat na taon.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng Pangulo ang Department of Agrarian Reform na pag ibayuhin ang kanilang programa tulad ng Project SPLIT o Support to Parcelization of Lands for Individual Titling upang maibigay na agad ang lupa sa lahat ng kwalipikadong benepisyaryo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nabatid na ngayong taon, nakapamahagi na ang DAR ng mahigit 15 libong ektarya ng lupa sa mahigit syam na libong benepisyaryo sa buong bansa.