Pamamahagi ng Bivalent Vaccine sa San Juan, umarangkada na

Sinimulan nang ipamahagi ang bivalent COVID-19 vaccines sa mga nas A1 category sa San Juan City.

Inumpisahan ngayong umaga ang pag-administer ng bakuna sa mga healthcare workers, at iba pang pasok sa A1 category sa FilOil EcoOil Centre sa naturang lungsod.

Matatandaang kahapon, pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pormal na paglulunsad ng bivalent vaccines sa Philippine Health Center sa Quezon City.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Personal ding nagpaturok si Health Secretary Ted Herbosa kung saan – siya ang kauna-unahang na-inoculate sa buong Metro Manila.

Samantala, patuloy pa rin ang negosyayon para sa dalawang milyon pang mga bivalent vaccines na inaasahan ng bansa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Herbosa – nakikipag-ugnayan na sila sa COVAX facility para sa magdo-donate ng karagdagang two millon doses.

Sa ngayon, wala pa raw tiyak na petsa kung kailan ito darating sa bansa.

Kung maaalala, una nang sinabi ng Kalihim na ang unang dumating na 390,000 doses ay kulang pa sa pangangailangan ng bansa.