LEGAZPI CITY – Nagsagawa kahapon ng libreng medical, dental, optical at vaccination sa Barangay Matanag lungsod ng legazpi.
Ito ang inihayag ni Danny Garcia, ang tagapagsalita ni Gobernador Al Francis Bichara ng Albay sa Brigada News FM Legazpi.
Pinangunahan ng Gobernador, medical frontliner at nasabing barangay officials ang aktbidad.
Ayon kay Garcia, inilalapit na ng Provincial Government ng Albay ang mga serbisyo na kinakailangan sa barangay tulad ng medical, dental, optical at pagbabakuna.
Aniya, hindi na rin kailangan pang magtungo ang mga residente para makuha ng serbisyo pagdating sa kalusugan.
Bago pa man nagsagawa sa nabanggit na aktbidad sa lungsod ay mas naunang nabigyan ng serbisyo ang ilang barangay sa una at ikatlong distrito sa lalawigan Maliban pa rito.
Marami rin ang hindi pa nababakunahan sa Barangay Matanag kung kayat nakapagsagawa pa lamang ito ng 1st dose ng pagbabakuna.
Nakasabay rin ng Matanag sa aktibidad ang Barangay Bagong Abre kung saan marami sa kanila ang nangailangan ng serbisyo sa kalusugan.
Aabot sa mahigit kumulang sa 1K kataong individual ang nabigyan ng serbisyo ng medical, dental, optical at pagbabakuna.
Sinabi ng opisyal, sa araw mismo ng Myerkules ay magkakaroon muli ng libreng medical, dental, optical at pagbabakuna sa Barangay Buyuan at karatig pa nitong barangay.