Patuloy na panghahawakan ng Pilipinas ang 2016 Arbitral ruling na pumapabor sa atin.
Ito ang iginiit ng National Security Council sa gitna pa rin ng kinakaharap na isyu ng bansa sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ni NSC Sec. Eduardo Año na nananatiling committed ang pamahalaan sa pagbabantay ng soberanya ng bansa.
Prayoridad anya ng pamahalaan na ipagtatanggol ang ating karapatan sa West Philippine Sea na may pagtalima sa international order at paggalang sa maritime entitlements.
Samantala, sinabi rin ni Año na patuloy ang kanilang pagsisikap sa pagtugon hindi lang sa internal threats kundi maging sa external threats na kinakaharap ng bansa.