Isdang tamban, tinatapon na lamang dahil sa over-supply

Napilitan nalamang itapon ng mga mangingisda ang mga isdang tamban sa Bulan, Sorsogon.

Hindi na kasi ito naibebenta kahit na mura na ang presyo dahil sa oversupplying.

Kaya pakiusap ng lokal na pamahalaan sa mga mangingisda na kontrolin ang panghuhuli.

Paliwanag naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol, tuwing peak season, aabot sa 20,000 metric ng tamban ang ibinababa sa port.

Tumigil rin ang mga pagawaan ng sardinas sa pagbili nito at isa rin ang kawalan sa produksyon ng yelo.

Matagal na itong problema sa Bulan FishPort na hanggang sa ngayon hinahanapan parin ng solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *