Ika-apat na batch ng mga OFW mula Israel, darating sa Lunes

Dadating sa Lunes ang ika-apat na batch ng mga Overseas Filipino Workers o OFW mula sa bansang Israel.

Sa pulong balitaan kaninang umaga, sinabi ni Department of Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac na nasa 60 mga OFW at dalawang infants ang inaasahang uuwi sa October 30.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

32 sa kanila ay mga hotel workers habang 28 naman ang mga caregivers.

Sa pagdating ng 4th batch sa Lunes, aabot na sa 123 ang mga Pilipinong napauwi sa bansa mula nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Kapareho naman ng mga nauna, makakatanggap din sila ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Samantala, inaasahang magpapadala na rin ang DMW at OWWA ng augmentation team sa Israel, para tumulong sa pag rescue at repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan.