Pamahalaan, nakapagpaabot na ng mahigit P4-M financial assistance sa mga apektado ng baha sa BARMM

Agad inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos sina Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian at Special Assistant to the President Anton Lagdameo na magsagawa ng situation briefing upang masiguro ang agaran at epektibong tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng Southwest Monsoon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa tala ng DSWD, umaabot na sa 4 million 165 thousand ang naipamahagi nilang financial assistance sa mga apektado ng pagbaha sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kabilang dito ang 76 households na nabigyan ng tig-limang libong piso na partially damaged ang tirahan sa Matanog, Maguindanao del Norte.

286 households naman na totally damaged ang bahay ang nabigyan ng tig-sampung libong piso, at dalawa ang nabigyan ng tig-10,000 na burial assistance.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa Balabagan, Lanao del Sur naman, 157 families ang nabigyan ng tig-limang libong piso na partially damaged ang bahay, may sampung pamilya naman na totally damaged ang bahay ang nabigyan din ng tig-sampung libong piso, at dalawa rin ang nabigyan ng burial assistance.

Maliban sa tulong pinansyal, namahagi na rin ang DSWD ng mga food and non-food items sa mga apektadong residente.