Pamahalaan, mayroong mga programa upang maiwasan ang pag-aabandona ng mga sanggol – DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na mayroong mga programa ang pamahalaan kung saan maaaring mailigtas ang buhay ng mga bata, at maiwasan ang mga kaso ng mga inaabandona o itinatapong mga sanggol.

Ito ay may kinalaman sa kamakailang insidente sa lalawigan ng Masbate kung saan mayroong sanggol na isinilid sa isang sako at itinapon sa sementeryo.

Ayon din sa impormasyon, isa umanong traysikel driver ang nagtapon nito at napag-alamang biktima ng rape ang ina ng nasabing sanggol.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa panayam naman ng Brigada News FM Legazpi kay DSWD Bicol Social Worker Officer II, Venice Ayende, sinabi niya na kung hindi kayang ibigay ng mga magulang ang pangangailangan ng bata, mayroong social services ang pamahalaan na maaaring i-extend sa mga pamilya.

Aniya, sa kaso ng mga anak, maaari silang i-refer sa mga shelter upang mabigyan sila ng pansamantalang tahanan, sapagkat ang pag-aampon o adoption ay ang last recourse.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Maaari pa naman umanong mag-explore katulad ng kinship care kung mayroong kwalipikadong kamag-anak.

Sinabi niya, maraming naka-shelter na mga bata sa pasilidad ng ahensya sapagkat meron namang government facility upang sila ay maprotektahan, kung saan maaari silang i-turnover nang boluntaryo ng kanilang magulang.

Sa mga kaso naman ng mga itinatapong mga sanggol, hindi dapat ito basta-bastang ibinabalik nang hindi dumaraan sa tamang proseso o assessment.

Ayon kay Ayende, kinakailangang i-assess nang mabuti ang pamilya at siguraduhing hindi na mauulit pa.