15-anyos na dalagita, hinalay ng pinsan ng kanyang ina sa Sariaya, Quezon

Personal na nagtungo ang isang 15-anyos na menor de edad sa himpilan ng Sariaya Municipal Police Station (MPS) nitong Miyerkules, Abril 26 upang ipagbigay-alam na siya umano ay biktima ng insidente ng panghahalay sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Sa salaysay ng biktima, bandang alas 9:00 ng gabi noong Nobyembre 30, 2022, naglalakad umano noon ang biktima patungo sa tahanan ng kanyang kapatid nang tawagin siya ng kanyang tito na noon ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinaktan umano siya ng suspek hanggang sa mawalan siya ng malay at saka doon na isinagawa ang panghahalay.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa gitna nito, pinagbantaan ng suspek ang biktima na papatayin ito at maging ang kanyang pamilya kung magsusumbong ito.

Dagdag pa ng biktima, hindi kaagad nito nagawang magsumbong dulot ng matinding takot.

Kasalukuyan ng inihahain ang kaukulang reklamo laban sa naturang suspek.