LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DEPED) Bicol na may ilan din sa mga atleta ng Modified Palarong Bicol 2023 ang nagrereklamo.
Sinabi ni DEPED Bicol Information Officer, Mayflor Jumamil sa Brigada News FM Legazpi na may kinalaman sa nararanasang init ng panahon ang madalas nilang matanggap mula sa mga atleta.
Aniya, hindi naman nila maikakaila na mayroon talagang mga billeting school na may mga mainit na silid-aralan.
Inaasahan na nila umano ang ganitong mga feedback sapagkat madalas na napapasama ang Legazpi City sa listahan ng mga may pinakamatataas na heat index sa buong bansa, ngunit tinitiyak naman niyang ginagawan agad nila ito ng paraan.
Ayon kay Jumamil, naglalagay sila o nagdaragdag ng mge electric fan sa mga silid-aralan kung kinakailangan.
Bukod pa rito, pinapahintulutan din umano sila na pumunta sa mga mapepreskong lugar kung gusto nila.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagmomonitor ng mga health personnels sa mga atleta lalo na kung may nangangailangan ng medikal na atensyon.
Samantala, maliban sa init ng panahon, ang madalas na pagti-trip-off ng kuryente ay isa pa sa inirereklamo, subalit agad naman nila itong inirereport upang maaksyunan agad.
Samantala, kinumpirma naman ng kaparehong ahensya na wala pa silang naitatalang mga untoward incident sa nagpapatuloy na kompetisyon sa lunsod.
Sa kaparehong panayam kay Jumamil, sinabi niyang nakausap din nila ang regional sports coordinators at masaya umano nilang ibinalita na maayos naman ang mga sitwasyon at wala mga naitatalang emergency cases.
“Sa far, so good” ani Jumamil, at ang mga nabanggit na complaints lamang ang kanilang mga natatanggap na normal lang naman umano na hindi lamang sila ang nakararanas kundi ang lahat.
Tiniyak niya, palaging nakaalerto ang mga medical personnels katuwang ang mga local health units mula sa mga LGU upang magmonitor at magbigay asistensya.