Palay procurement ng NFA- So.Cot, pinalawak

KORONADAL CITY- NANANATILI sa P 19 per kilo ang buying price ng palay ng National Food Authority (NFA) South Cotabato. Napag-alaman na pinalawak pa ng NFA ang palay procurement nito upang matulungan ang mga magsasaka na makabawi sa gitna ng pagbaba ng commercial buying price ng palay na nasa P 13 per kilo na lamang.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inihayag ni Hazel Solis, branch manager ng NFA South Cotabato na nagbukas ang mga ito ng buying stations sa Koronadal City, Banga, Surallah at Sto.Niño upang makatulong sa mas maraming mga rice farmers. Nasa 1,000 hanggang 1, 200 na sako ng palay ang average na nabibili ng NFA kada araw.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Bumibili lamang ang NFA ng malinis at tuyong palay na may moisture content na at least 14%, 95 to 100 % purity, 7% discolored at ligtas sa infestation.

Sa Koronadal City, nagbibigay ang LGU ng dagdag na P 2 per kilo na insentibo sa mga magsasaka na magde-deliver ng palay sa NFA.