AFP nagbabala sa mga pulitiko na sumusuporta sa communist terrorist groups

KORONADAL CITY- TINUTUTUKAN ng community support program ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa probinsya ng South Cotabato ang mga conflict affected areas.

Ayon kay 1st Lt. Krisjuper Andreo Punsalan, civil-military operations officer ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army na nagsasagawa sila ng visitation at pakikipag-ugnayan sa barangay at mga paaralan partikular sa mga far flung areas. Layon nito na mapigilan ang recruitment ng mga communist terrorist groups (CTG).

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Inihayag ni Punsalan na nakikipag-ugnayan din sila sa mga negosyante at mga investors upang alamin kung pinagbabantaan ang mga ito, kinikikilan at hinihingan ng revolutionary tax ng mga teroristang grupo.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Samantala, nagbabala naman ang opisyal sa mga pulitiko o kandidato na nagbibigay ng suporta sa CTG na maaari ang mga itong ma-disqualify at masampahan ng kaso.

Ngayong papalapit ang campaign period at halalan, isa sa binabantayan ng mga otoridad ang posibleng pangingikil ng mga terorista sa mga kandidato kapalit ng proteksyon at permit to campaign.