Palay price, nasa P10.00/kg sa Occidental Mindoro

Umabot na sa pinakamababang P10.00 kada kilo ang farmgate price ng palay sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Cathy Estavillo, Secretary-General ng Amihan at Anakpawis party-list, ngayong harvest season ay nararanasan ng mga magsasaka sa lalawigan ang panibagong bugso ng pinakamababang presyo ng palay.

Batay sa kanilang monitoring, noong nakaraang Miyerkules ay nasa P14.00 pa ang farmgate price ng palay hanggang sa umabot na ito sa 10.00 kada kilo noong nakaraang Huwebes, Setyembre 16.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dahil dito ay nananawagan ng aksyon ang grupo sa gobyerno para maibalik sa mas mataas na P20.00 kada kilo ang presyo ng palay.

Isinisisi ng grupo ang pagbaba ng presyo ng bilihan ng palay sa Rice Liberalization Law na pinagtibay noong February 2019 na nagtatanggal sa pagbabawal ng pag-aangkat, pag-iexport at trading ng bigas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kagaya sa pahayag ng Bantay Bigas, isang rice watchdog, iginiit ng grupo na ang mababang presyo ng palay ay dulot ng monopolyo ng private traders na nakikinabang sa liberalized rice market.

Hinayaan umano ng gobyerno na diktahan ng mga private traders ang presyo ng palay na siyang pahirap sa mga ordinaryong magsasaka.

Giit ng grupo, dapat na gumawa ng mga programa ang gobyerno para sa kapakanan ng mga magsasaka at mapangalagaan ang rice industry ng bansa.