Legazpi City Mayor Rosal sa posibilidad ng pagtakbo bilang Albay Gov: “I will announce in due time”

BICOL— “I will announce in due time.” Ito ang tugon ni Alkalde Noel Rosal sa mga katanungan ng media hinggil sa posibilidad ng pagtakbo nito sa pagka gobernador sa probinsya ng Albay.

Ayon sa alkalde, sakali mang magdesisyon siyang tumakbo, papasukin niya ang mas mataas na posisyon hindi upang manira dahil lahat naman umano ng mga nag-aambisyong tumakbo ay may mabuting intensyon.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

“If ever magdecide ako, I will put myself in the eye of every Albayano as an alternative”, saad ng alkalde.

Gagamitin niya rin umano ang kanyang mga naging karanasan bilang alkalde sakali mang tumakbo siya sa pagka gobernador.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Hindi nito sinabi kung kelan ang kanyang magiging pormal na deklarasyon pero asahan umano ang kanyang anunsyo bago ang filing ng Certificate of Candidacy sa Oktubre 1.

Ang pahayag ay kasabay ng isinagawang ground breaking ceremony sa gagawing water system project sa isang barangay sa lungsod.### || slm, with reports from BNFM Legazpi