Palasyo, nilinaw na di pa nakukumpleto ni PRRD ang 2 doses ng COVID-19 vaccine

Nilinaw ng Malacanang na di pa nakukumpleto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. 

Ito ay matapos na ihayag ni Presidential Security Group (PSG) Chief Jesus Durante III na fully-vaccinated na ang pangulo ng dalawang doses ng bakuna ng Sinopharm. 

Sinabi ni Roque na maling impormasyon lamang ang natanggap ni Durante at humingi na umano ito ng paumanhin sa naging pahayag. 

Mababatid na nabatikos ang pangulo nang magpaturok ito ng COVID-19 vaccine mula sa Sinopharm noong May 3 dahil wala pa ito noong emergency use authorization (EUA) sa bansa at nabigyan lamang ng EUA noong June 7. 

Pero mayroon namang compassionate use permit ang Sinopharm na ibinigay noong Pebrero. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *