Masaya pa rin ang Malakanyang sa kinalabasan ng tatlong araw na Bayanihan Bakunahan campaign.
Ito ay sa kabila na bigo ang gobyerno na makuha ang target nitong mabakunahan ang 9-million indibidwal.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Karlo Alexie Nograles aabot sa 8.01 million doses ang na-administered sa tatlong araw na vaccination campaign o katumbas ng 89.06 percent na target ng pamahalaan.

Batay sa breakdown nasa 2.7 million na indibidwal ang nabakunahan unang araw,2.4 sa ikalawang araw at 2.8 million naman sa huling araw ng National Vaccination days.
Ibinida naman ni Nograles ang Pilipinas na pumang-apat sa buong mundo sa pinakamaraming bilang ng bakuna na naiturok sa isang araw sa kasgsagan ng 3-day vaccination drive.
Tiniyak naman ng kalhim na babawi ang gobyerno sa ikalawang round ng bayanihan, bakunahan campaign na itinakda sa kalagitnaaan ng disyembre.