4 miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ni Quiboloy naghain ng not guilty plea sa US court

Naghain ng ‘not guilty plea’ sa harap ng Los Angeles federal judge ang apat na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay may kaugnayan sa umanoy partipasyon ng mga akusado sa sex and labor trafficking at immigration fraud na kinakaharap ng Davao-based megachurch leader.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Kabilang sa mga naghain ng not guilty plea ay sina Guia Cabactulan, Amanda Estopare, Marissa Duenas at Felina Salinas.

Nabatid na unang kinasuhan sina Cabactulan, Estopare at Duenas noong January 2020 indictment na nagresulta sa FBI raid sa loob ng KOJC compound sa Van Nuys California.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Samantala wala pa naman inilalabas na extradition request mula sa America para paharapin sa US court ang pangunahing akusado na si Pastor Quiboloy.