Ilang LGUs aminadong nakaranas ng aberya sa 3-day vaccination drive

Inilahad ni League of Provinces of the Philippines President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., ang mga naranasang aberya sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan campaign.

Ayon kay Velasco may ilang mga probinsiya ang nagkaroon ng kakulungan sa syringe habang ang iba naman ay nagkaroon ng isyu sa brand preference o pamimili ng bakuna ng mga tao.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maliban dito nakaranas din umano ang ilang LGUs nang kakulangan ng mga vaccinators kaya hindi naabot ang kanilang target.

Sa kabila nito may ilang probinsiya ayon kay Velasco ang nahigitan ang 100% ng kanilang target sa tatlong araw na vaccination drive katulad ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes, Siquijor, at Camiguin.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Nasa 31 provinces naman ang naabot ang mahigit 50% ng kanilang target habang 45 provinces ang medyo mababa sa 50% ang nabakunahan.