Palasyo, kinumpirmang napagkasunduan ang pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal

Kinumpirma ng Palasyo na aabot sa 150,000 metric tons ng asukal ang isinusulong ngayon na angkatin ng bansa.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na ito ang napag-usapan sa nangyaring pulong sa pagitan nila Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri at ang iba’t-ibang sugar stakeholders.

Read More:  DOJ expects Apollo Quiboloy’s extradition case could move forward within months

Ayon kay Angeles, umabot sa 150,000 metriko tonelada ang napag-usapang aangkatin ng bansa dahil may mga pangangailangan din daw ang nasa industrials.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Sa kabila nito, hindi pa naman matiyak ni Angeles kung kailan gagawin at kung saan balak mag-angkat ng Pilipinas ng asukal.

Mababatid na unang isinulong ng Department of Agriculture ang importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal ngunit hindi naman ito pinaburan ni Pangulong Marcos.
#