Food supply at stability ng kuryente – tinalakay sa Cabinet meeting

Lumarga muli ngayong araw ang isang pagpupulong sa pagitan ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, tinalakay sa pagpupulong ngayong umaga ang ilang mga iisyatiba ng Department of Agriculture para sa pagtitiyak ng seguridad ng pagkain sa bansa.

Read More:  Danger-level heat index expected in several areas across the country

Ito ay sa gitna ng pinangangambahang food crisis, pati na rin ang isyu sa suplay ng asukal sa gitna ng kontrobersyal na sugar importation.

Samantala, maliban sa DA ay nagpresenta rin si Energy Secretary Raphael Lotilla.

Dito umano ay tinalakay ang mga paraan at hakbang ng Kagawaran para masigurong mayroong sapat, acceble, at murang presyo ng enerhiya sa bansa.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Maliban sa dalawang mga paksa, sinabi rin ni Angeles na pinag-usapan din sa meeting ang programang ‘Pambansang Pabahay para sa Pilipino’ na programa naman ng Department of Human Settlements and Urban Development.
#