Binigyang diin ng Malacañang na malaya ang kahit sinong senador na ibunyag ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa gobyerno.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pwede itong gawin ni Senator Manny Pacquiao, bilang tayo naman ay nasa isang malayang bansa.
Kung maalala ay binatikos ni Pacquiao ang korapsyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, na dahilan naman para hamunin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang mga ahensya at opisyal na sangkot sa mga iregularidad.

Minaliit naman ng Malacañang ang mga alegasyon ni Pacquiao, sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pasabog nito bilang “watusi” imbis na isang “atomic bomb”
Bilang sagot ay sinabi ng senador na maglalabas ito ng videos at audio clips na magpapatunay sa korapsyon sa ilang ahensya ng gobyerno.
Matatandaan na tinukoy ng Pangulo si Pacquiao bilang “punch-drunk” dahil sa pagsasabi nito na nawawala ang P10-billion na ayuda para sa mga sektor na apektado ng pandemya.