Palasyo, Idinipensa ang pagsalubong ng ilang opisyal sa mga Olympians

Nanindigan ang Palasyo na walang problema kung personal na sasalubungin ng mga opisyal ng gobyerno sa airport ang mga atletang Pinoy na nagwagi sa natapos na Tokyo Olympics sa kabila ng mahigpit na COVID-19 restrictions. 

Ginawa ni Presidential spokesperson, Harry Roque ang pahayag nang tanungin kung bakit pinahintulutan sina Senador Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea na salubungin ang mga Olympic boxers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno, Carlo Paalam at Eumir Marcial noong umuwi sila sa bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Kung matatandaan, may patakaran ang bansa na kinakailangan sumailalim sa 10 araw na facility quarantine ang mga Pinoy na umuuwi sa bansa kahit sila ay bakunado na.

Pero katwiran ni Roque na ang nangyari ay isang “exception” dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagwagi ang mga atleta sa Olympics at nararapat lang na sila ay bigyan ng hero’s welcome.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Matatandaang, ito ang pinakamahusay na Olympic finish ng Pilipinas simula nang sumali tayo sa Games noong 1924 at nakasungkit tayo ngayon ng isang gintong medalya, dalawang silver at isang bronze.

Mababatid na  nag “virtual courtesy call” kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga umuwing atleta.

Tiniyak naman ni Roque sa publiko na susundin pa rin ng mga Olympian ang mga health protocol.