4,487 new COVID-19 cases; Active tally, bahagyang bumaba sa 52,291

Nakapagtala na ang Pilipinas ng kabuoang 1,154,388 sa kaso ng coronavirus disease 2019, matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang 4,487 na bagong infections.

Hindi naman kasama sa datos ang resulta mula sa walong laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.

Ayon sa DOH, bahagyang bumaba ang bilang ng mga active cases sa 52,291, kung saan 93.1% sa mga ito ang mild, 2.2% ang asymptomatic, 2% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, umakyat ang bilang ng total recoveries sa 1,082,725, matapos na makarekober ang 6,383 pang pasyente, habang 110 ang mga naitalang bagong fatalities, dahilan para sumipa ang death toll sa 19,372. // MHEL PACIA