Kinumpirma ng Philippine Airlines na banned sa Hong Kong ang lahat ng passenger flights nito na galing Manila.
Alinsunod sa kautusan ng Hong Kong ay tatagal ang ban hanggang September 11.
Base sa ulat ng South China Morning Post ay ipinatupad ang ban simula pa noong August 29.
Pero sinabi ng airline na magpapatuloy pa rin ang passenger flights nito mula Hong Kong papuntang Manila tuwing Wednesday, Thursday, at Friday, base sa nakaplano nitong mga schedule.

Ipinunto rin ng PAL na magpapatuloy ang operasyon ng all-cargo flights nito na papuntang Hong Kong.
Naiulat ng nasabing pahayagan na ipinatupad ang ban matapos makumpirma na galing sa PAL flight PR300 ang tatlo mula sa pitong COVID-19 cases na naitala sa Hong Kong.
Ipinaliwanag naman ng PAL na nagpasa ng negatibong COVID-19 tests ang tatlong pasahero kabilang na ang dalawang Pilipino at isang Chinese national bago sila nag-check in para sa kanilang flights.