Iginiit ng Malacañang na pwedeng hilingin sa Ombudsman ang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Presidential Spookesperson Harry Roque sa hamon ni Vice President Leni Robreo sa Punong Ehekutibo na isapubliko ang SALN nito para ipakita na tutol ito sa korapsyon.

Ayon kay Roque, tinupad ng Pangulo ang tungkulin nito sa paghahain ng SALN.
Inabisuhan naman ni Roque ang mga partido na naghahanap sa SALN ng Pangulo na magsulat ng pormal na komunikasyon sa Office of the Ombudsman.
Matatandaan noong September 2020 ay nag-isyu si Ombudsman Samuel Martires ng polisiya kung saan ay maglalabas lamang ito ng kopya ng SALN kung papayag ang may-ari nito.