Mga undocumented OFWs sa Russia, makipag-ugnayan na sa kanilang embassy-Owwa Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot sa 132 mga Overseas Filipino Workers (OFW) na undocumented ang nagtatrabaho sa bansa ng Russia batay sa record ng OWWA Bicol.

Ayon sa ahensya, sinumang OFWs na gusto nang umuwi sa Pilipinas, maigi umanong magtungo na sa embassy ng Russia upang magpalista.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Aniya, ito umano ang pagbabasehan kung sino-sino ang mga undocumented OFW ang nagtatrabaho sa Russia.

Gagawa rin ng hakbang ang gobyerno na makauwi ang mga ito.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Tiniyak naman ng tanggapan na maaaring makatanggap pa rin ng tulong financial ang mga uuwi na ofw kahit ito ay undocumented.

Kung matatandaan, 2 buwan na ang nagpapatuloy na gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.