‘Pahayag ni PRRD na tatakbo sa VP race para makakuha ng immunity, statement of fact’

Wala umanong ilegal na ginawa si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong tatakbo sya sa pagka bise presidente para magkaroon ng immunity. 

Ito ang sagot ni presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung may nagawang mali ang pangulo kaya ito naghahanap ng immunity.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Kasunod ito ng sinabi ng punong ehekutibo na dahil maraming kritiko nya ang nagbabantang idedemanda sya, tatakbo na lamang sya sa pagka pangalawang pangulo para magkaroon sya ng immunity.

Sumang-ayon si Roque sa opinion ng kilalang kritiko ng administraston na si Senator Leila de Lima at poll lawyer Romulo Macalintal sa pagiging immune ng VP mula sa kaso. 

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Aniya, ang pahayag ng presidente ay oportunidad na hamunin ang kasalukuyang batas sa immunity.

Una nang iginiit ni pangulong Duterte na magiging produktibo lamang sya bilang bise presidente kung ang mahahalal bilang pangulo ay kanyang kaalyado.