Pagtugon sa pandemya ‘highest priority’ sa 2022 national budget

Tiniyak ni Senator Sonny Angara na ang pandemic response pa rin ang prayuridad sa proposed 2022 national budget.

Ayon kay Angara na tumatayong chairman ng senate committee on finance sa dami ng mga ahensiyang humihingi ng dagdag na pondo, mas pagbibigyan umano nila ang mga departamento na may mga programang magpapatibay sa health response ng pamahalaan.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Napansin naman ng senador na parang hindi COVID budget ang isinumite ng DBM sa kanila dahil wala umano dito ang pondo para sa contact tracing, testing para mga kabataan at Special Risk Allowance o SRA para sa mga health workers.

Sa 2022 budget hearing para sa Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ng mambabatas na mahalagang unahin ang pondo para sa pandemic response dahil ang kaligtasan umano ng taumbayan ang pinag-uusapan dito.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nabatid na batay sa P248.5 billion budget na ipinasa ng DILG para sa 2022, walang nakalaan para sa hiring ng mga contact tracers. (LEY BAGUIO)