Pagtugis sa Concepcion criminal gang nagpapatuloy ayon sa kasurog cops

LEGAZPI CITY – Patuloy ang pakikipag ugnayan ng mga himpilan pulisya sa Albay sa taumbayan upang mapabilis ang pagbuwag sa “Concepcion Criminal Gang”, isang grupo na sangkot sa magkabilaang panloloob, pagnanakaw, pag-patay,pang-gagahasa, pagdadala ng mga hindi lisensyadong baril, at pangingikil na bumibiktima ng mga “construction firms” at mga negosyante hindi lamang sa lalawigan ng Albay kundi maging sa ibang probinsya sa rehiyong Bicol.

 Isang paraan ng kapulisan ang pamimigay ng mga “Information, Education and Communication” o “IEC materials” sa kanilang nasasakupan at pakikipag-usap sa mga opisyales ng mga Local Government Unit (LGU) para maipahatid sa mga nanunungkulan at maging sa publiko ang panganib na maaaring idulot ng nasabing grupo sa pamayanan sa oras na sila ay mamalagi sa kanilang lugar.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

 Ito rin ang maaaring maging daan sa pagkakahuli kay Gilbert Saysay Concepcion”, ang lider ng nasabing grupo, na tinuturing ngayon bilang “Regional Most Wanted Person” sa nasabing rehiyon dahil sa patung-patong na kaso nito tulad ng pagpatay o “Murder”.

 Paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at iba pa. Maliban pa dito, ay masigasig ang Albay Kasurog Cops sa pagbibigay ng mga “Crime Prevention Tips” sa mga kabataan, negosyante at simpleng mamamayan upang hindi mabiktima ng mga ganitong klaseng krimen, at maka iwas na rin sa tuksong dulot ng grupong ito sa oras na sila ay manghikayat para sa pagpapalakas ng kanilang puwersa.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

 Positibo naman ang tugon ng publiko sa mga kapulisan, at nakiki-isa sa layunin na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa probinsya. Panawagan ni PCOL ATTY. ARNOLD C SANTIAGO, PD, ALBAY PPO, “Hiling po naming mga kapulisan pati na rin ng mga naging biktima ng grupong ito, na agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa oras na magkaroon ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng lider ng “Concepcion Criminal Group”, sapagkat sa oras na mahuli ito ay ang siyang hudyat sa tuluyang pagwawakas ng kanilang grupo.”