Mga SSS members na may hindi nabayarang short-term loans, maaari nang mag-apply para penalty condonation program

BICOL – NAGSIMULA nang tumanggap ang Social Security System o SSS ng aplikasyon mula sa mga miyembrong may unpaid loans at nais magbayad ng walang kaukulang penalidad.

Muli kasi naglunsadang SSS ng penalty condonation program para sa

short-term member loans na tatagal nagsimula noong November 15 at tatagal hanggang buwan ng Pebrero sa susunod na taon.

Paliwanag ni Jeanette Torallo-Mapa ng SSS-Legazpi Branch, layon ng Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program o STMLPCP na bigyang pagkakataon ang mga member-borrowers na may past due loans na mabayaran ito ng buo ng walang penalidad lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ganitong paraan umano ay makakabalik ang mga ito sa “good standing” at maging kwalipikadong muli upang makapag avail ng mga serbisyo at programa ng SSS.

Dagdag pa nito, lahat ng member-borrowers ay maaaring mag apply kahit pa expired na o wala na orihinal na term ang kanilang salary, calamity o emergency loan o hindi kaya naman ay sa ilalim ng Salary Loan Early Renewal Program at restructured loan na hindi pa nababayaran ng buo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kinakailangan lamang na ang miyembro ay may past due loan na hindi bababa sa 6 na buwan mula sa unang araw ng condonation period at hindi pa nakakatanggap ng final claim tulad ng total permanent disability at retirement.

Paglilinaw pa nito, ang programa ay bukas maging sa mga member-borrowers na dati nang nakapag apply ng condonation program subalit hindi pa nababayaran ng buo ang kanilang mga existing loans mula mula 2016 hanggang taong 2019.